15 October 2008

[QUEZON'S BEST SECRETS] Lucena: My Beloved City


QUEZON AVENUE, LUCENA CITY (1900's)

DIKSYONARYO NG LUCENAHIN

A

Abuhan : Patungan
Abyad : Lakad o Asikaso
Adobi : Gamit sa paggawa ng bahay na may parihabang hugis at pinagpapatong-patong at pinagdidikit ng hinalong semento
Adyo : Akyat
Agipo : Labi ng kahoy na iginatong o panggatong na nagkabaga
Agiw : Bahay ng gagamba na kinapilan ng dumi
Agoy-oy : Kahoy sa ilog
Alburoto : Nagalit
Alibadbad : Masamang pakiramdam na may kasamang pagduduwal
Almiris : Maliit na bayuhan ng paminta na yari sa bato,kahoy o marmol
Almuhadon : Upuang binabalutan ng tila na kinapapalooban ng bulak o pum
Alok : Bagay kung baga sa pananamit
Alulod : Agusan ng tubig
Aluyan : Duyan
Amama : Lolo
Anaki : Baka,isip
Anayo : Nagalaw ng mga lamang-lupa
Anwang : Kalabaw
Aparador : Lalagyan ng damit na yari sa kahoy
Apaw : Pipi hindi makapagsalita
Apuyan : Posporo
Arado : Arado sa tubigan
Ariya : Madali
Asarol : Piko
Asuhan : Bubungan ng abuhan
Ataul : Kabaong
Awto : Kotse
Ayuoy : Daing,hinagpis

B

Babag : Away
Babahan : Pasamano
Bakid : Katulad ng basket na walang tangkay ngunit higit na malaki
Bagaman : Kahit na
Bag-as : Pandak
Bagaybay : Buwigan ng niyog
Bagtasin : Sundin,tawirin
Bahog : Pagpapakain ng baboy
Balag : Pansamantalang kainang may bubong kapag may kasayahan tulad ng kasalan,binyagan atbp.
Balkon : Bahagi ng bahay na ginagamit na pahingahan
Balinguyngoy : Pagdugo ng ilog
Balsa : Sasakyang pantubig na yari sa kawayan
Baluyot : Lalagyan ng palay
Bambang : Kanal
Bangaw : Sira-ulo wala sa katinuan ng pag-iisip
Bangkito : Maliit na upuan na walang sandalan
Bangko : NMahabang upuan
Bangkulong : Gamit ng bata
Banggerahan : Pamingganan
Bangi : Ihaw
Banghi : Mabaho
Bangyaw : Tanghaw o ilaw
Banlat : Kulungan ng baboy;rural
Barino : Inis o galit
Bastidor : Hulmahan
Batya : Planggana
Baylihan : Sayawan
Bayo : Kilos ng kamay na pababang paulit-ulit na maaring may hawak na halo
Bayong : Malaking bag na yari sa buri
Belot : Tawag sa munting aso o tuta
Bithay : Ig-igan
Bitoo : Suso
Blaus : Bus
Bulaan : Sinungaling
Bulaw : Biik
Bulid : Hulog
Bulyaw : Sigaw o bumulyaw
Bumbong : Kawayang pangadlo o sisisdlan ng tubig
Bunga : Nga-nga
Bunganga : Bibig
Bungkali : Hukayin
Buntunan : Tambakan
Busisi : Iyakin
Buslog : Hambog

K

Kabaak : Kaparis o kabiyak
Kaban : Baul
Kabog : Hulog o bagsak sa pag-aaral
Kabulusan : Tubugan ng kalabaw;daan ng tao,paragos at karilon sa bukid
Kabyawan : Kayuran o kudkuran ng niyog
Kakaunin : Susunduin
Kadlo : Igib
Kahiman : Kataliwas;ekspresyong hindi makapaniwala
Kahol : Lahol
Kalabit : Kalabitin,kuhit
Kalarat : Malakas na sigaw
Kalupi : Pitaka
Kamaw : Sinaunang hawong
Kamisidentro : Polo;Pang-itaas na kasuotan ng lalaki
Kamison : Kasuotang panloob ng babae
Kampit : Kutsilyo
Kampon : Kakampi
Kamposanto : Sementryo o pook libingan
Kapis : Bintanang yari sa kapis
Kapitbahay : Kalapit na bahay
Kaputol : Maikling panlalon
Karaho : Ekspresyong padamdam
Kartela : Kalesa;karetela
Kasilyas : Kubeta;Kumon;Palikuran
Katnig : Turo
Katre : Kama
Kawa : Tulyasi
Kawasa : Dahil sa
Kayuran : Kudkuran
Kilo : Hindi tuwid;Kilong pako
Kingki : Ilawan o lamparang ginagamitan ng gas
Kumon : Kasilyas;Palikuran
Kuok : Basil;uod o uhod
Kustal : Sako
Kuwadro : Lalagyan ng larawan
Kwitib : Langgam o guyam

D

Dag-im : Ulap
Damak : Dumamak;kumuha ng pagkain
Dampa : Bahay kubo
Damuhan : Basurahan
Dawdaw : Pagdaiti ng daliri o paa sa tubig
Dayag : Magdayag;Maghugas ng pinggan
Dayap : Lemon
Dilasag : Nagnganga
Dikin : Patungan ng palayok
Dulang : Lamesang mahaba
Dulog : Dumulog
Dungawan : Bintana

G

Gagaud : Magtatrabaho
Galalan : Lalagyan ng damit na yari sa buri o pandan
Gamay : Sanay
Garapon : Babasaging boteng pinaglalagyan ng kendi
Ginanga : Sinaing na isda;isdang niluto sa kalamansi
Garu-garo : Simaron;Maharot
Gulok : Itak
Guop : Takip ng kaldero o anumang lutuan
Gusi : Maliit na tapayan
Guyabnan : Hawakan sa hagdan

H

Hagilap : Hanapin;kunin;hinagilap;pangnagdaan
Hahagutin : Papaluin
Hahambo : Liligo
Halabas : Ginagamit na pangkuha ng niyog;kawit
Halo : Ginagamit sa pagbabayo sa lusong
Halumbaba : Nakalukod ang siko
Hambog : Mayabang
Hapag : Lamesa
Haplit : Palo
Hawong : Pinggang malukong na lalagyan ng sabaw
Hayon : Narating
Hayo : Ginagamit na pangbugaw sa aso para sawayin ito, patigilin sa ginagawa o paalisin sa kinatatayuan
Hayo na : Alis na
Hilulumbo : Uri ng insektong masakit makakagat;putakti
Himimigtas : Uri ng langgam
Hipa : Hindi gusto ang bait
Hitad : Kiri
Humayo : Umalis
Hungot : Baong nilinis na ginagamit sa kainan

I

Ibalid : Balikan o nakalimutan
Inana : Lola;ina ng magulang
Ip-ip : Pagsipsip
Ipod/Isod : Paglipat ng kinatatayuan
Isugba : Ilagay sa apoy
Itiit : Maliit na daga

To be continued...

No comments:

Post a Comment